GOD - Greatness Of the Divine

June 16th, 2006 by leila-abes

One hotUpperr_ko summer evening, after our praising & glorifying God, our household ( Upper & my Lower) shared their experiences on how God inspired and loved them unconditionally. After which we had this activity wherein we gather our ideas & thoughts using our individual names in describing our relationship, our service & devotion to HIM .

                 TWEENY                                                                               

                                Thought / talent                                             

                                      Wisdom                                                   

                                          Energy                                                                

                                              Enthusiasm                                                                     

                                                  Nobody else but to offer                                                 

                                                           Yahweh

                          LEILA   

                              Lord

                           Empower me

                               In my

                                  Life

                                    Always

                                                  MEL 

                                              My heart

                                           Envelopes the

                                                  Lord 

                                         MARIBEL                                       

                                            With God’s                                    

                                             Mighty                                           

                                              And                                             

                                            Righteousness                               

                                           I will                                          

                                          Be

                                      Ever

                        Loving to ll even to the unloving

                      ANNIE

                     Always praying to God

                     No one else can stop me glorifying Him

                     Next to to nothing for God

                In service to brethens & God

                     Empowered by Him

   MARGE

      Masayahin

   Always

      Ready for

   God’s work

        Ever ! ! !

                                                            JOAN

                     Jolly in serving God 

                           Overcome all temptation & sadness

                             Always hold on with the Lord

                               No… no… to service

   

Bookmark and Share

Haplos ng Pagmamahal

June 2nd, 2006 by leila-abes

Tandang tanda ko pa ang gawa ng aking Ina

Sa tuwing ako’y may nadarama

Sa ubo’t sipon VICKS ang handog niya

Haplos ng pagmamahal ang galing ng Ina. . .

Sa dibdib at likod kanyang inilalagay

VICKS sa aki’y ginhawa ang alay

Kasama pa biscuits na skyflakes

Pati softdrinks na Fanta orange pa !

Lalaon ang panahon

Tatanda at magkaka-asawa

Magka-supling at Apo pa

Ang tanging pamana Vicks na alay na aking INA! ! !

VICKS – HAPLOS NG PAGMAMAHAL

Bookmark and Share

Jumeriah Beach Girls

May 1st, 2006 by leila-abes

Jumeriah_beach ********************************************************

To : : : KC, Irene, Jeanette, Grace, Che, Gina, Jo & Lei

Kape. . . Kape. ..

           Sa Cofee Bean. ..

Chika. . .  . Chika . . .

sa beach ng Jumeirah !!!

Ito na . . Ito na.. .

Matutuloy na

Pagkatapos ng misa

Kami’y magsasama-sama

Matalik na magkakaibigan

Magpapaligsahan na

Mga paborita nila

Ibabahagi’t Ilalahad na.

Mula gabi hanggang umaga

Sa coffee bean patungong beach ng jumeriah

Ang trip ng tropa

Walang patid na kwentuhan nila.

Oras di namin iniinda

Dahil kami’y magkakasama

Namiss sobra ang isa’t isa

Kaya sa saya at iyakan kamiy nagkakaisa !

Di man madalas magkita-kita

Magkausap at magkasama-sama

Ngunit nakakasigurado ka

Sa problema andoon sila  ! ! !

Ang saya ! ang ganda !

Nakakaaliw, at nakakaloka

Kaming walo nagkasama-sama

Love ko kayo talaga ! ! !

_________________________________________________

***************************************************************

Bookmark and Share

Detach

April 27th, 2006 by leila-abes

Separate, Disconnected, Standing Apart. . . Ilan lang sa mga salitang kahalintulad nito. . . Paano ?  Kailan ? at Bakit ? mo

kailangan isagawa, maramdamdaman at mamutawi ang salitang "Detach na" Tama na" at "Ayoko na ".

Ano ba ang mga pamantayan mo upang harapin at isagawa ito, Ano ang dapat mong isaalang alang sa pagkilos nito? Naisip

mo bang maari kang masaktan kapag isinaginawa mo ito? Naisip mo bang malaking pagbabago sa buhay mo pagnangyari na

ito?

Dumarating sa buhay ng isang tao na minsan sawa ka na, ayaw mo na, tama na sa lahat ng nagawa mo para sa kanya.

Naranasan mo na bang mareject? Mawalang bahala? nakulang na lang ipamigay ka sa iba, na parang gamit na pagayaw mo na, at tapos ng gamitin, iiwan mo o ibubusabos mo na lang sa isang tabi. . Ang sakit di ba! ! ! parang di ka tao kung itrato. . . parang wala kayong pinagsamahan, parang wala lang. . .gayong nagmahal ka namn ng buong puso totoo at  tapat, naging mabait ka naman na halos kalimutan mo na ang sarili mo para sa kanya, nakalimutan mo na rin ang mga dati mong kaibigan,  nag  sakrispisyo ka dahil mahalaga sya, umikot ang mundo mo sa kanya dahil sa akala mong masaya ka at ang lahat ng oras mo ay ayon sa oras nya dahil gusto mo syang makasama.

Naloka ka ba! Nabigla ! Nakakatawa di ba! ! ! ngunit may nalilimutan ka. "Lahat ng sobra ay masama. Ang lahat ng

bagay at tao na dumating at dadating sa buhay mo ay tanging pahiram lang Nya, darating ang araw magkakahiwalay kayo,

mababago ang panahon, maiiba ang sitwasyon dahil may dahilan SYA. . .

Ngayon. . . huwag mong hayaang umabot sa puntong mamumutawi sa iyong mga labi ang salitang "AYOKO NA", "TAMA

NA" at "SOBRA NA"…. . Bagamat walang buhay na wasto at normal, ang buhay ay puno ng pagsubok hindi sa lahat ng

panahon dapat masaya,kagalaken at maayos! !  Kung minsan ang masayang emotion ay mapaglinlang, mapagkunwari

maging balanse ka sa buhay mo, huwag mong kalimutan ang sarili mo, umikot ka minsan sa mundo mo.. . Ang buhay ay

parang gulong minsan nasa Itaas minsan nasa ibaba.. . 

Nais kong ibahagi sa inyo ang ilang mga puntos na kung saan ay kailangan mo nang bumitaw, magbigay laya. . .

Una, kung ikaw ay nahihirapan, di mapakali o natutuliro na . Pangalawa, kung ikaw ay nababaliwala, walang importansya

nakikita o napagwawalang bahala ka na at Pangatlo, pag ika’y nagmu-mukhang tanga na sa panigin ng iba at sa sarili mo. . .

Nakakaloka, Nakakabaliw at Nakakapraning di ba! ! ! Ano ang maaari mong gawin upang masolusyunan at baguhin ang

sitwasyon na iyong kinalalagyan sa ngaun. . Mahirap at masakit tanggapin sa una, andyan ang iiyak ka, mapapagod sa

kakaisip, paranoid ka na, maaawa sa sarili, maguguluhan, maapektuhan ang lahat ng nasa paligid mo, malulungkot ka araw

araw, andyan na iyong magdeadmahan kayo, magaasaran, magtitiisan at kung minsan o madalas magkakasakitan kayo sa

mga salitang ibinabato nyo sa bawat isa, pakiramdam mo ay titigil na ang buhay mo, parang iniwan ka ng Diyos kung ika’y

magreklamo. . . . .

Pero papayag ka ba ng ganon lang? Hahayaan mo lang ba na nakalugmok ka sa kadiliman? Titigil na ba ang ikot ng mundo mo?

Aba

. .  Kapatid! ! ! Bangon ! ! Tayo! !   Sugod sa pagbabago ! ! ! may magandang buhay pang nakalaan at naghihintay sa iyo, maraming kang kaibigang nagmamahal at handang makinig sa iyo, may pamilya kang bukas palad tatanggap sa kamalian mo,maraming pang mahalagang bagay na pwede mong isagawa para sa ikabubuti mo. Laban, hindi iyan katapusan ng mundo mo, Masaya ang buhay, harapin mo ng buong galak at saya, huwag idepende ang sarili sa iba. Ang Panginoong Diyos ay nagiintay sa iyo, lumapit ka lang, magdasal, tumawag sa kanyang presensya at di ka nya bibiguin. .Patuloy SYANG pumapatnubay,  upang harapin mo ng tama ang iyong buhay, lahat ng nangyayari ay naayon sa kanyang

plano

ng sa gayon maihubog ka nya upang maging isang ganap na mabuting tao at dahil ANAK ka NYA.

May tagumpay sa kabila ng lahat ng pagsubok  ! ! !

Bookmark and Share